Monday, February 15, 2010

Sa Loob ng Bahay na Puti



Heto si mam at sir nung kasal nila. Masaya ang buong Pilipinas. Parang piyesta. Pero punyeta, todo kayod kami nung araw na 'yan. Linis dito, linis doon. Luto dito, luto doon. Nanakit ang tuhod ko. Pagpasensyahan nyo na at tumatanda na ang lola nyo. Lahat kase ay kailangang magustuhan ni mam koring. Lahat dapat nasa kontrol niya. Lahat dapat maayos. Walang sabit.

In fairness, maganda ang kinalabasan ng wedding day nila. Sumikat si sir, magiging first lady na si mam. Si mam koring ay handang handa nang lumipat sa Malacanang. Lagin pinaguusapan ng magasawa sa kanilang almusal ang kanilang planong pag-alis sa Bahay na Puti. Atin atin lang ito, imbyerna yata si mam koring kay mam juding. Heto ang talakayan ni mam koring at manong mar tuwing almusal:

MK (Mam Koring): Honey, Mar. Nabili mo na ba 'yung mga tray at pinggan na dadalhin natin sa Malacanang?

MM (Manong Mar): Yes dear.

MK: Eh ang kama? Kailangan mala reyna ako ha. Remember, palasyo yung lilipatan natin.

MM: Yes dear.

Hanggang sa, well, namatay si Tita Cory. Ayun, 'yung mamang mukhang abnoy tuloy ang pinatakbong presidente ng party ni sir. Ewan ko ba dyan sa Liberal Party, wala yata ginawa kundi magparty ng magparty kaya nabola ni mamang abnoy.

Speaking of Mamang Abnoy, siya ang laging bukambibig ni senorito noon. Kapag nakikita nya sa telebisyon ito, nililipat nya ang remote. Kapag nasa computer si sir, laging may picture si abnoy. Heto nga pala ang obra ni sir sa kanyang laptap:


WAIT!!!! Is that Mam Koring talking? Waahhh GTG guys nandito na si mam.

No comments:

Post a Comment