Thursday, February 18, 2010

Miss n'yo na ba si Mam Koring?

Eh ano nga ba ang pinagkaka-abalahan ngayon ni Mam Koring? Curious kayo ano? Miss na miss nyo na siguro sya. Mahigit isang buwan na yatang hindi nakikita ng taumbayan si Mam sa telebisyon. Eh paano ba naman, gusto yata syang itago na lang at ilagay sa aparador ng mga supporters ni Sir Mar. Parang dumi sa bahay ba. Ayun, lagi nalang tuloy nasa bahay si Mam. Kami tuloy mga kasambahay nya ang kawawa dahil araw araw namin ito kasama, as in BUONG ARAW. Hello! Para kaya kaming mga dagang may kasamang leon!

Panay talak. Panay pansin sa ginagawa namin. Hay... muntik pa nga akong matamaan ng high heels nya. Buti nkailag ako. Si Mam Koring ngayon, parang laging nerbyosa. Ewan, kulang yata sa lambing ni Sir Mar. Pero intindihin n'yo naman si Mam. Kawawa din naman kase sya ngayon. Dati napaka lively nya at masayahin. Lahat kaya nyang gawin. Eh ngayon... Hmm... May tsismis ang mga tagapagluto dito, meron daw mamang Cruz ang apelyido na kinaiinisan ni Mam. Eto raw ang "campaign manager" ni Sir. Eto rin daw ang nagpanukalang ilayo si Mam sa mga camera. Si Sir naman pumayag. Haaayyyy.

Anyway. Ikinagagalak kong i-kwento sa inyo na malapit nyo nang masilayan ulit si Mam. At wag ka, babalik sya sa inyong mga telebisyon na bonggang bongga. BILANG FIRST LADY!!! O daba??? Tama, FIRST LADY. Naku, hindi papayag yan si Mam na second lang sya. Dapat sya ang FIRST. Nangako na si Sir na mangyayari yan. Kaya ang plano ay.... Bukas na laaaannngggg.... Hehe teka, luto muna ako ng almusal guys ha. Babu!

No comments:

Post a Comment